Posts

Tamang Diin

Kanina kausap ko ang dating kasama. May inuungot sya tungkol sa mga lalahok sa isang proyekto na siya ang naatasan. Ang dami daw reklamo. Kesyo bakit? hala? lugi naman! etc. Sabi ko, "Lagyan mo ng tamang diin ang sasabihin at patakaran mo sa kanila, kasi kung hindi ay kakainin ka nila ng buhay kapag ipinakita mong tumutupi ka sa kanila. Unang una ay ikaw ang dapat masunod at hindi sila sa mga bagay na sumasali lamang sila". Ang mundo ay hindi isang pepektong patas ngunit isa lamang patas, kadalasan ay ipinapataw nito sa atin ang mga pinaka mahihirap na pasanin sa buhay, ang magpaliwanag at makonsensya. Ngunit kung may diin agad sa umpisa pa lamang ay mahaharangan agad nito ang baka mas madiin pang mga mapanlinlang nilang mga reklamo. Kaya hindi masamang lagyang diin paminsan minsan ang mga salitang karapat dapat nito. Walang puwang ang mga taong kime at mga keme sa mundong ito. After all ay wala naman tayo tiyak dito sa mundo kung hindi tama ang diin ng ating mga tatay ...